Friday, October 31, 2008

bayang sawi

sa bayang sawi
hindi kailangan ng marunong lang,
dalubhasa, henyo, ano pa man ang tawag
sa bayang sawi,
hindi kailangan ng mayaman,
pagpapakasasa sa ginto at pera
pagpaparami pa ng yaman at pagwawaldas ng basta-basta
sa bayang sawi,
walang laban ang walang pera
dahil yaman ang labanan
ang hustisya ay sa mayaman lang
hanggang kailan kayang magbulag-bulagan?
hanggang kailan kayang magbingi-bingihan?
hanggang kailan magpapasindak, magpapa-antag?
ang kailangan ng bayang sawi
ang may paninindigan, may pananagutan
ang kailangan ng bayang sawi
ang magtatanggol ng mga karapatan
kahit ano pa man ang uri ng labanan
kahit sa bayang sawi
ang mulat, may paninindigan, nagtatanggol, nagmumulat
ay dinudukot, pinapatay!

(oct. 30-31, 2008)

*after nito napanaginipan q c james balao...

*isang taas-kamaong pagpupugay sa lahat ng mga hindi takot lumaban para sa tunay na kalayaan

*stop enforced disappearances!.stop political killings!.

Thursday, October 23, 2008

..mahal..

Mayroong ugat sa puso kong biglang tumibok para sa iyo
At ito ay may basehang malalim kung bakit siya tumibok
Iaalay ang pagmamahal sa iyo at sa maraming tao
Rinig ang pagsusumigaw at kagustuhang lagi kang kasama kahit sa pagsubok
Oo, alam kong darating ang panahong kailangan nating maghiwalay
Ngunit lagi mong isiping nasa puso kita
Pagdating ng panahong 'yon ay wag kang malumbay
Higit tayong kailangan ng masang pinagsasamantalahan
Ilalaan ko ang aking oras sa paggampan ng gawain
Lalo't alam kong parehas lamang ang ating tutunguhin
Isipin mong malayo man ako ay maglalapit din
Pagka't masa ang nasa gitna at maglalapit sa atin
Sakripisyo man ang ating gagawin
Oras man ang mawala sa atin
Lugar man ay magkaiba sa tatahakin
Iwasang malumbay, mahal, kaunti lang yan sa sakit ng masang alipin
Mahal, ikaw ang gusto kong makasama sa pagpapalaya
Aanhin ang ginhawa at ang pagsamba sa pera
Na alam mong ang masa at bayan ay salat sa pag-aaruga

(October 19, 2008)

Monday, October 13, 2008

untitled

pag-ibig nati'y di matutumbasan
ng kahit anong pag-ibig na makikita kung saan
ito'y makikita sa mga lansangan
sa pagtatanggol ng mga karapatan

pag-ibig nati'y mas malalim at mabigat
kaysa mga pag-ibig sa kulturang nagmistulang lambat
ang pagmamahal sa bayan kasabay ng pagmamahal sa isa't isa
ay mas wagas at mas dakilang tuwina

hinahangad kong makasama ka sa bawat pangarap
pagtupad sa mithiin sa piling ng masa
na kahit magkalayo'y dama natin ang isa't isa
dahil tayo'y magkasama sa pakikibaka

alam kong darating ang panahon na tayo'y maglalayo
isipin mong hinding-hindi ka maaalis sa aking puso
ang paglayo ay mas mas malalim na dahilan
at ito ay para palayain ang sambayanan

(oct. 11, 2008)

Thursday, October 2, 2008

lyrics of "kahit ngayon lang" by musikangbayan

Kahit ngayon
Ngayon lang nagkakillala
Ay alam kong matagal na tayong magkasama

Sa isang hangaring marangal
Sa isang digmaang may saysay
Sa isang paglayang niluwal
Ng isang dakilang pananaw

At kung sakaling magkalayo man sa gawain
Bawat oras ito ay lagi kong kapiling
Sa piling ng bawat pantig
Singtamis mong ngumiti
Sa bawat pagpupunyagi
Kasama sa layang mithi

*At hanggang daigdig ay magbago
Ikaw pa rin ay kasama ko
Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning
At hanggang daigdig ay magbago
ikaw pa rin ay kasama ko

Kahit sa’nman may tunggalian at paglaban
Nagtatagpo lakas natin at paninindigan
Sa bisig na nagpapanday
Sa bisig na nagbubungkal
Ng isang bagong kaisipan
Ng isang malayang lipunan

(repeat *)

Ang damdamin at layunin
Patuloy na magniningning

Kahit ngayon
Ngayon lang tayo nagkakilala

lyrics of "ikaw ay sapat" by musikangbayan

umaawit ang puso ko
naglalakbay patungo sayo
dumadalaw man ang nakaraan
sa piling mo ay handang maghintay
kahit malayo. panahon ay salat
ikaw ang kulang na sa aki'y sapat

pagkat ikaw ang pag-ibig kong tunay
sa ating sumpa ay tapat
pagkat bahagi ka ng aking buhay
kasama sa paglayang hangad

pag-ibig ko'y di magbabago
magtagal man ang digmaang ito
ang ating pagkilos at pagmamahal
anong alab ma'y handang magbigay
kahit malayo, panahon ay salat
ikaw ang kulang na sa aki'y sapat

pagkat ikaw ang pag-ibig kong tunay
sa ating sumpa ay tapat
pagkat bahagi ka ng aking buhay
kasama sa paglayang hangad

pagkat ikaw ang pag-ibig kong tunay
sa ating sumpa ay tapat
pagkat bahagi ka ng aking buhay
kasama sa paglayang ganap

kahit malayo panahon ay salat
ikaw ang kulang na sa aki'y
sapat.....

lyrics of "kahit kailan" by musikangbayan

bawat sandali
nitong buhay nating maikli
ibig ko laging sabihin
na kita'y minanamahal
di sa lahat ng panahon
magkatabi't magkaakbay
darating din ang araw
tayo ay mawawalay

kahit kailan, kahit saan
mananatili ka sa puso ko
ang pag-ibig nating dalawa
patuloy na magliliyab

*itong ating nadarama
ay dalisay at payak
isang pag-ibig na sumibol
sa marahas na panahon
panahong hindi malaya
katarunga'y di tapat
pangyayaring di tumutugma
sa buhay nating pangarap

**kahit kailan, kahit saan
pakikibaka'y di mapigilan
ang sigaw ng ating puso
baguhin ang mundo
kahit kailan, kahit saan
tagumpay man o kabiguan
ang pag-ibig nating dalawa
hangad ay paglaya

(repeat *)
(repeat **)

kahit kailan, kahit saan
pakikibaka'y di mapigilan
ang sigaw ng ating puso
baguhin ang mundo
ang pag-ibig nating dalawa
hangad ay paglaya
kahit kailan, kahit saan
tagumpay man o kabiguan
ang pag-ibig nating dalawa
hangad ay paglaya

ang pag-ibig nating dalawa
hangad ay paglaya...

lyrics of "sana" by musikangbayan

isipan ma'y napapagod din
sa pag-iisip ng mga kataga
na magsasalarawan ng tunay
na nadarama ng puso ko

ngunit nang ika'y dumating
ang aking isipa'y biglang sumigla
ang mga titik at himig
ay tila di mapigilang agos ng batis

sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
sa pagsasalarawan ng buhay
sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
bigyan natin ng kulay ang buhay

dahil mithiin ay iisa
at ang katuparan nasa ating pagpapasya
ang ibig ko lamang ay narito ka
katuwang at kasama sa pagkilos

dama ko ang lumbay at saya
sa saliw ng aking gitarang dala
hatid ay pag-ibig sa bayan
na di kailanman mapapantayan

sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
sa pagsasalarawan ng buhay
sana sa tuwina'y kapiling kita
sa paglikha ng mga awit ng paglaya
sana'y laging kasama kita
bigyan natin ng kulay ang buhay

sana sa tuwina kapiling kita.....