Wednesday, August 27, 2008

..rosas ng digma..

ROSAS NG DIGMA -musikang bayan-

Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay yung hinarap
At hanggat laya di pa nakakamtan
Buhay mo'y laging laan.

Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo'y rosas sa hardin ng digma
At di maiwasang s'yo ay humanga
Ang tulad kung mandirigma.

refrain:
Ako'y nangangarap na ika'y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas at di malalanta.

Ang kulay mong angkin
Sing tingkad ng dugo
Nagbibigay buhay sa bawat puso
Tinik mo'y sagisag ng tapang at himig
Sang larawang kislap ng bituin

(refrain 2x)

Gaya ng Pag-ibig... na alay ko sinta


ANG TUGON


Ika’y paru-parong nangahas lumipad
Sa dilim ng gabi pilit na umalpas
Pagkat hanap mo’y ningning at laya ng bukas
Sa aking mundo’y napadpad
Katulad ng iba ay nagmamahal din
Kahit malayo ay liliparin
Upang pag-ibig mo’y iparating
Sa rosas ng iyong paningin

(Refrain)
Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding hindi kukupas, di malalanta

(Repeat 2x)
Gaya ng pag-ibig na alay ko sinta