Thursday, October 2, 2008

..a love story..

(eto ung pinasa kong story sa isang subject ko this sem..sa filipino 30..gumawa raw kse ng love story eh..)
dalawang tao ang makahawak ng kamay habang naglalakad papuntang simbahan. ngunit hindi mawair kung sila nga ba'y magkasintahan o hindi. pero wala silang pakialam, may nararamdaman sila sa isa't isa at alam nila iyon. pero hindi rito magisismula ang kwento, simulan natin kung paano sila nagkakilala.
magkaeskwela ang dalawa sa kolehiyo. nagkabanggaan noong enrollment pero hindi nila iyon naalala. sa unang araw ng pasukan, nagkasalubong pero hindi nagpansinan dahil sa kung anumang ginagawa nila. pilit ipinaglalapit ng tadhana ang kanilang mundo ngunit tila ba naglalaro sila.
pumasok sa isang organisasyon ang babae. nahikayat siya nang iorient siya pagkatapos ng klase. dahil freshman at wala pang masyadong kakilala, pumayag siya at dahil na rin nagustuhan naman niya ang mga prinsipyo ng organisasyon. lumalim ang kanyang pananaw sa buhay. hindi na lamang niya tintingnan ang lipunan ng tulad ng pagtingin niya noon. may nakilala siyang lalaki na miyembro rin ng organisasyon. nang magkausap sila, pareho pala sila ng edad pero magkaiba lang ng kurso. naging malapit sila at sabay na kumilos sa organisasyon.
napunta sila sa isang minahan sa Benguet upang mag-integrasyon. nakausap nila ang mga minerong may hinanakit sa mga taong nananamantala at inaabuso ang lahat ng minero. habang tumatagal ang kanilang pakikipag-usap, mas naintindihan pa nila ang problema ng mga ito sa mas malawak na aspeto. nalaman nila ang katiwalian sa administrasyon, ang pandaraya sa CBA upang hindi makuha ng unyon ang mga benepisyo. nakisalo sila sa bawat pagkain at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga minero. nang umalis sila ay laking sakit sa puso dahil hindi na nila makakasama ang mga nagmistulang pamilya nila roon. pero nag-iwan ng salita na sila'y babalik at buong puso naman silang kukupkupin ng mga minero.
makalipas ang ialgn buwan ay nakasama naman nila ang mga magsasaka sa Tarlac. nakilala rin nila angmga iyon at ang problemang kinakaharap nila. nalaman nila ang pananamantala ng mga panginoong maylupa at kung ano ang tunay na katayuan ng mga pamilyang magsasaka. naantig sila habang kinukwento ng mga magsasaka ang kanilang laban at mga pagpaslang sa kanilang mga kasama.
unti-unti silang namulat sa kung ano nga ba alagay ng lipunang kinabibilangan nila. nag-aral, nagpalalim at namulat ng sabay. sa lahat ng lugar na kailangan puntahan, magkasama silang dalawa. at lumalim ng lumalim ang nararamdaman nila.
kaya naman noong araw na iyon, magkahawak kamay silang pumunta sa simbahan dahil sa takot na baka kung ano na ang nangayri sa kanilang kasamang sugatan dahil sa marahas na pantataboy ng mga pulis sa kanilang hanay. ang paring ka-alyado nila ang nagbabantay sa mga sugatang kasama. at ang nararamdaman nila sa isa't isa? oo, mahal nila ang isa't isa kasabay ng pagmamahal sa bayan. pero hindi nila hawak ang isa't isa dahil ang pagmamahal na meron sila ay mas malalim pa kaysa sa alam ng lahat.
_____________________________________________________________________
hindi lahat ng love story ay tungkol sa cheesy na story. mas magandang love story ang pagkkwento ng pagmamahal sa bayan, may mahal mang kasama o wala. kelangang tanggalin ang burgis na konsepto ng pagmamahal at palitan ito ng mas malalim na pagmamahal.

No comments: